-- Advertisements --
image 389

Muling nagpalipad ng isang Patrol and Reconnaisance Plane ang Estados Unidos sa Taiwan Strait.

Ginawa ito ng US sa gitna ng tumitinding tension sa pagitan ng China at Taiwan.

Batay sa inilabas na statement ng US Navy 7th Fleet, isang P-8A Poseidon Maritime Patrol Reconnaisance plane ang pinalipad ng US sa kahabaan ng Taiwan Strait, sa ilalim ng kinikilalang international aerospace.

Sinabi pa ng US Navy na ang ginawa nilang ito ay alinsunod pa rin sa International Law at nakabatay sa anila’y Navigational rights ng bansa, at kalayaan ng bawat bansa na makapagpalipad ng mga air assets s amga international aerospace.

Nagpapakita rin umano ito sa commitment ng US sa operasyon ng malaya at bukas na Indo-Pacific Region.

Matatandaang ang aerospace sa Taiwan Strait ay bahagi ng inaangkin ng China, dahil sa pagpupumilit nitong ang Taiwan ay bahagi ng kanilang teritoryo.

Gayonpaman, hindi naman ito kinikilala ng Taiwan, bagay na inaayunan naman ng US.