-- Advertisements --
Sinulatan ng abogado ni US rapper Eminem si Republican presidential candidate Vivek Ramaswamy na itigil na ang paggamit ng kaniyang kanta.
Ang nasabing sulat at naibigay ilang linggo matapos ang pagkanta ni Ramaswamy ng “Lose Yourself” sa Iowa State Fair.
Ipinadala ang sulat ng record company ni Eminem na BMI.
Si Ramaswamy ay tumatakbong pangulo ng Republican party kung saan katunggali nito si daing US President Donald Trump.
Ayon naman sa tagapagsalita ni Ramaswamy na sila ay tatalima sa nasabing kautusan.