-- Advertisements --

Pinalawig pa ng US Defense Department ng kanilang travel restriction hanggang Hunyo 30 para tuluyang masawata ang pagkalat ng coronavirus 2019 o COVID-19.

Sinabi ni Matthew Donovan, the undersecretary of defense for personnel and readiness, na magsisimula ito sa Lunes Abril 20.

Papayagan lamang ang mga redeployments at repatriation ng mga sundalo sa ibang bansa.

Nauna rito ipinatupad ng US ang 60-day travel ban sa mga sibilyan at military noong Marso na nakatakdang magtapos sa darating na Mayo.