-- Advertisements --

Bumawi ang Team USA sa Team Uruguay sa rematch ng dalawa sa quarterfinals ng FIBA AmeriCup 2025.

Nagawa ng Team USA ang naturang panalo sa kabila ng 7-point deficit sa half time, 45-38.

Sa pagpasok ng 3rd quarter, agad gumawa ang US ng 10-2 run at sinundan ng dominanteng opensa hanggang matapos ang 4th quarter tangan ang 13-point lead, 83-70.

Naging top scorer ang point guard na si Javonte Smart na nagpasok ng 27 points, gamit ang 70% shooting.

Naging mahigpit ang depensang ipinakita ng Team USA, lalo na sa 2nd half matapos nitong limitahan ang kalaban sa 25 points 3rd at 4th quarter.

Pinangunahan ni Jack Cooley ang depensa ng US, matapos siyang kumamada ng anim na defensive at anim na offensive rebounds. Sinundan ito ng forward na si Tyler Cavanaugh na kumamada ng 8 rebounds.

Nasayang naman ang 17 points at tatlong steals ng guard na si Santiago Vescovi sa pagkatalo at tuluyang pagkatanggal ng Uruguay.

Dahil sa panalo ng US, pasok na ito sa semis ng nagpapatuloy na IBA AmeriCup 2025. Haharapin nito ang Team Brazil sa araw ng Lingo, Aug. 31 (Phil. Time).