USS Theodore Roosevelt
USS Theodore Roosevelt

Umaabot na umano sa 25 mga US Navy personnel ang nahawa sa COVID-19 habang sakay ng aircraft carrier na USS Theodore Roosevelt.

Nito lamang nakalipas na araw ay inanunsyo ng Pentagon na merong tatlong personahe ang nagpositibo sa COVID test.

Nangangamba ang ilang opisyal na lolobo pa ang naturang bilang.

Sinasabing iniiwasan ng Amerika na mag-anunsiyo ng eksaktong bilang baka raw samantalahin ito ng karibal na China at North Korea.

Sa ngayon balak na isailalim sa 100 porsyentong testing ang lahat ng mga nakasakay sa aircraft carrier na aabot sa 5,000 mga tripulante.

Ang USS Theodore Roosevelt na kayang magkarga ng halos 100 eroplano at helicopters ay nakatakdang dumaong sa bahagi ng Guam.