Nagdulot umano ng tensyon ang pagpapakawala ng warning shots ng barkong pandigma ng Amerika sa barko naman ng Iran paramilitary Revolutionary Guard sa bahagi ng Persian Gulf.
Ito ang kinumpirma ngayon ng U.S. Navy matapos dumikit ang barko ng Iran sa USS Firebolt.

Ayon kay Commander Rebecca Rebarich, spokeswoman for the Mideast-based 5th Fleet, napilitang magpaputok ng multiple warnings shots ang barko ng Amerika ng umabot sa 62 meters na lamang ang layo ng Iranian warship maging sa U.S. Coast Guard patrol boat na USCGC Baranoff.
Liban sa warning shots, nagkaroon din sila ng tinatawag na bridge-to-bridge radio at loud-hailer devices habang nagsasagawa ng close range manuevers.
Sa huli ang guard vessel ng Iran ay lumayo na rin.
Ayon sa U.S. naval forces ito na ang pangalawng beses na hindi umaakto na hindi professional ang mga barko ng Iran samantalang sila ay nasa international waters.










