-- Advertisements --

Gumamit ang US Navy ng nasa 40,000 libra o mahigit 18,143 kilos ng pampasabog para masubukan ang kanilang warship.

Isinagawa ang “Full Ship Shock Trial” sa east coast ng bansa para subukan ang USS Gerald R. Ford kung kaya nito ang ganoong klaseng kalakas na pagsabog.

Nagtala naman ng 3.9 magnitude na lindol ang US Geological Survey dahil sa ginawang “Full Ship Shock Trial” ng US Navy.

Matapos ang trial ay ibinalik ng US sa dry dock ang barko para sumailalim sa modernisation, maintenance at repair.