-- Advertisements --
Nanawagan ang US sa Israel na obligasyon nitong sumunod sa international humanitarian law.
Sinabi ni US Department of State spokesperson Matthew Miller na hakbang na ito ay para mabawasan ang mga pinsala at pagkasawi ng mga sibilyan.
Labis silang nalulungkot sa nangyaring pag-atake ng Israel sa tent camp sa Rafah na ikinasawi ng nasa 45 katao.
Ang nasabing insidente ay umani naman ng pagkondina mula sa iba’t-ibang bansa kung saan sinabi ng Hamas na dapat sumunod ang Israel sa kautusan ng International Justice Court na itigil ang pag-atake nito sa Rafah.
Una ng sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ang insidente sa tent camp ay isang uri ng aksidente.
Tiniyak din nito na maglulunsad sila ng imbestigasyon.