-- Advertisements --

Nakatuon US sa pagbibigay ng air defense systems sa Ukraine.

Ayon kay US Secretary of State Antony Blinken na hindi lamang sila dahil sa maging ang ibang mga bansa ay handang magbigay ng mga air defense missile sa Ukraine para malabanan ang Russia.

Hindi na nito binanggit pa kung anong uri ng mga air defense missile ang ibibigay ng US sa Ukraine.

Sa mga nakaraang mga buwan kasi ay nakapagbigay na ang US ng mga air defense system sa Ukraine.

-- Advertisement --

Kabilang kasi si Blinken na dumalo sa foreign ministers meeting ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) na ginaganap sa Bucharest, Romania.