-- Advertisements --

Naglunsad ng malawakang airstrikes ang US sa iba’t-ibang bahagi ng Iran.

Ayon sa US Central Command, na ang nasabing pag-atake ay bilang ganti nila sa patuloy na pag-atake rin ng Iran.

Hindi naman nagpatinag si Defense Secretary Pete Hegseth kahit na tamaan nila ang mga imprastraktura na pag-aari ng mga sibilyan.

Giit nito na kanilang tinatarget ang mga pangunahing pasilidad ng Iran.

Magugunitang pinabagsak ng Iran ang military helicopter ng US malapit sa Strait of Hormuz kung saan nakaligtas ang mga piloto.

Makailang ulit na rin nag-alok ang US ng kasunduan sa Iran subalit patuloy ang ginagawang paglabag ng mga militant group.