-- Advertisements --

Binalaan ni US Secretary of State Antony Blinken ang magkalabang puwersa sa Sudan na mahaharap sila sa sanctions.

Ito ay dahil sa patuloy ang labanan ng Sudan army at paramilitary na Rapid Support Forces (RSF) kahit na may ipinapatupad na isang linggong ceasefire.

Dahil sa nasabing kaguluhan ay nahihirapan ang pagpasok ng mga humanitarian aid sa nasabing bansa.

Sa mahigit limang linggong labanan na nagsimula sa Khartoum ay aabot na sa 863 sibilyan ang nasawi kabilang ang 190 na mga bata at ikinasugat ng 3,530 na iba.

Nagdulot din ang nasabing labanan sa paglikas ng ilang milyong residente.