-- Advertisements --
Isasagawa sa Nobyembre 30 ang halalan para sa House Democratic leadership.
Kasunod ito sa espekulasyon na nanganganib ang puwesto ni House Speaker Nancy Pelosi base na rin sa resulta ng midterm elections.
Gagawin ang halalan sa pamamagitan ng secret ballot gamit ang web-based applications.
Base sa bilangan kasi ay hawak pa rin ng Republicans ang kalamangan sa ilang estado.
Nauna ng sinabi rin ni Pelosi na pinag-iisipan na niyang mamamahinga sa pulitika matapos na atakihin ang kaniyang asawa sa loob ng bahay nila.