-- Advertisements --

Hindi sang-ayon ang US sa blanket visa ban laban sa mga Russians.

Ayon sa US State Department na ayaw nilang isara ang kanlang bansa mga nais na maging ligtas lalo na ang mga Russians na nabiktima ng pang-aabuso.

Nais din ng US na mamagitan sa mga hakbang ng gobyerno ng Russia sa Ukraine.

Nakikipag-ugnayan na rin ang US sa mga kaalyadong bansa nila para maipatupad na lamang visa restrictions sa mga opisyal ng Russia.

Mula noong Pebrero ng simulan ng Russia ang take sa Ukraine ay nagpatupad na sila ng visa restrictions sa 5,000 indibidwal.

Magugunitang ilang mga bansa gaya ng Czech Repbulic, Estonia at Latvia ang nais na magpatupad ng visa ban laban sa mga Russians.