-- Advertisements --

Handang gumamit ang US ng mga makabagong kagamitan para maharang at makontra ang mga armas ng Iran na ginagamit ng Russia para salakayin ang Ukraine.

Sinabi ni State Department spokesperson Ned Price na kanilang tatapatan ang unammaned aerial vehicle ng Iran na siyang namamayagpag sa mga nagdaang buwan.

Labis din kasi sila nababahala na baka humingi ang Russia ng makabagong armas sa Iran gaya ng surface to surface missile para sa paglaban sa Ukraine.

Pagtitiyak din nito na magpapataw sila ng sanctions dahil sa arms trade na ginagawa ngayon ng Russia at Iran.

Magugunitang ibinunyag ng Ukraine na ang mga napapabagsak nila ng mga drones ng Russia ay nabili sa bansa Iran.