-- Advertisements --
Nakamit ni US gymnast Simone Biles ang ikaapat na gintong medalya sa Artistic Gymnastics World Championships.
Ito ay matapos na manguna siya sa floor exercisesa kaniyang unang international competition matapos ang pamamanhinga ng dalawang taon.
Ang kaniyang gold sa floor ay siyang pang-23 sa world championship gold medal at ito ang pangalawa matapos na magwagi sa beam competition sa Antwerp, Belgium.
Pumangalawa naman sa puwesto si Zhou Yaqin ng China.