Nanindigan si US Pres. Donald Trump na mananatiling nakadeploy ang US forces sa mga lugar malapit sa Iran hangga’t hindi nakakabuo ng ‘tunay na kasunduan’.
Ito ay sa kabila ng 20week ceasefire na napagkasunduan ng US, Iran, at Israel.
Ayon kay Trump, lahat ng mga barkong pandigma ng US, aircraft, at mga sundalo nito ay mananatili sa palibot ng Iran, kasama ang karagdgaang mga bala at pampasabog, atbpang gamit-pandigma na kakailanganin para wasakin ang isang ‘kalaban na ngayo’y labis nang naghihirap’ matapos ang ilang lingong digmaan.
Gagawin ito aniya hangga’t hindi nakakabuo at nakakasunod sa isang ‘tunay na kasunduan’
Kung hindi aniya ito mangayayari sa anumang kadahilanan, tiyak na matutunghayan muli ng buong mundo ang mas malawak at mas marahas na giyera.
Ginawa ni Trump ang pahayag sa isang social media post, isang araw matapos magkasundo ang US at Iran para sa isang ceasefire kung saan namagitan ang Pakistan.
Ito ang unang tigil-putukan matapos ang anim na lingong giyera kung saan maraming bansa sa Middle East ang nadamay.
















