-- Advertisements --

Nagnegatibo na sa COVID-19 si US First Lady Jill Biden.

Ayon sa tagapagsalita nito, na matapos ang kaniyang pag-isolate ng limang araw ay muli itong sumailalim sa COVID-19 test at lumabas na negatibo na.

Unang nagpositibo ang first lady noong Agosto 16 kaya subalit mayroon siyang hindi gaanong matinding sintomas.

Gaya ng kaniyang asawa na si US President Joe Biden ay dalawang beses na ito ng nagpa-booster shot ng Pfizer COVID-19 vaccines at umiinom na rin ng Paxlovid.