-- Advertisements --

Nababahala ang US embassy sa Moscow dahil sa pagpapalawig ng korte sa pre-trial detention ng naarestong si American journalist Evan Gershkovich.

Ayon sa US Embassy na nakakabahala ang pagpapalawig ng korte ng hanggang tatlong buwan ng pre-trial detention ng Wall Street reporter.

Inilabas ang desisyon ilang araw matapos na hindi payagan ng korte sa Russia ang US Embassy na dalawin si Gershkovich.

Iginigiit ng embahada na inosente ang Wall Street reporter at imbento lamang ang kaso laban sa kaniya.

Magugunitang inaresto si Gershkovich dahil sa pang-iispiya.