-- Advertisements --
image 384

Inaasahang lalagda ang gobyerno ng Estados Unidos at Pilipinas sa pagtatapos ng taon ng isang kasunduan na magpapadali sa pagpasok ng US nuclear technology sa bansa.

Sinabi ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na ang dalawang estado ay nakatakdang tapusin ang mga negosasyon nito mula nang ilunsad ang mga pag-uusap sa nuclear cooperation sa pagbisita ni Vice President Kamala Harris sa Pilipinas noong Nobyembre 2022.

Ang 123 Agreement ay magbibigay ng legal na batayan para sa civil nuclear energy cooperation at pahihintulutan ang pag-export ng nuclear fuel, reactors, equipment at special nuclear material mula sa US patungo sa Pilipinas.

Ayon kay Carlson, inaasahan niyang matatapos na lagdaan ang kasunduan ngayong kasalukuyang taon.

Aniya, ito ay isang napaka-komplikadong kasunduan, ngunit ang magkabilang panig mula sa Pilipinas at Estados Unidos ay talagang nagsikap na gumawa ng malaking pag-unlad.