-- Advertisements --
Nagkasundo sina US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ng pagkakaroon ng “new era” ng US-Japan strategic cooperation.
Sa ginawang pagbisita ni Kishida sa White House ilan sa mga proyekto na kanilang natalakay ay ang pagtutulungan nila na makagawa ng missile na siyang magdadala ng tao sa buwan.
Hindi nakaligtas ang ginagawang paghaharass ng China sa rehiyon ng Asya.
Pagtitiyak ni Biden na magpapatuloy ang kanilang pagtutulungan lalo sa mga ekonomiya.