-- Advertisements --
Nagkasundo ang US at Canada para sa mahigpit na paglaban kontra sa iligal na migration.
Ito ang inanunsiyo ni US President Joe Biden sa pagbisita niya sa Canada.
Sa kaniyang talumpati sa parliamento sa Canada sinabi ni Biden na magtutulungan ang Canada at US para tuluyang labanan ang iligal na border crossing.
Ang nasabing kasunduan ay itataboy ang mga undocumented asylum seekers na tumatawid sa US patungong Canada.