-- Advertisements --
Pinayagan ng gobyerno ng Uruguay na bumaba na lulan ng cruise ship Greg Mortimer para ma-quarantine sa hotels.
Ayon kay Uruguay Foreign Minister Ernesto Talvi na kanilang napagpasyahan ang pagpapababa at paglagay sa mga quarantine center.
Hindi aniya puwedeng manatili sa loob ng barko ang mga ito dahil umiikot doon ang virus at baka mas madadagdagan pa ang bilang ng mga madadapuan ng virus doon.
Sinabi nito na mayroong 83 crew ang papayagan na bumaba kabilang ang 37 na nagpositibo ng coronavirus.