-- Advertisements --
Kailangan umano ang tuloy-tuloy na assessment sa COVID-19 cases sa ating bansa, para mas epektibo ang nagiging pagtugon.
Ito ang naging pahayag ni Sen. Panfilo Lacson, kasunod ng pina-iral na bubble restrictions sa Metro Manila at mga karatig na lugar.
Ayon sa senador, dapat mas maaga pang naipatupad ang paghihigpit at hindi na hinintay pa ang sunod-sunod na record high ng COVID-19 cases.
Kailangan ding malinaw ang implimentasyon ng restrictions para magkaroon pa ng pagkakataon na mai-adjust ang kanilang mga nakaplanong aktibidad.










