-- Advertisements --

Naitala ng University of the Philippines ang unang panalo sa best of three UAAP Season 86 Men’s Basketball championship laban sa De La Salle University 97-67.

Mula sa simula ay dominado ng Fighting Maroons ang laban sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena sa lungsod ng Pasay.

Bumida sa panalo ng UP si Harold Alarcon na nagtala ng 21 points at tig-dalawang rebounds at assists.

Habang mayroong 15 points, 11 rebounds si Francis Lopez samantalang mayroong 11 points si Jd Cagulangan at 10 points naman para kay Gerry Abandiano.

Ayon kay UP head coach Goldwin Monteverde na maayos na na-execute ng koponan ang kanlang game plan.

Gaganapin ang Game 2 sa darating na linggo ng alas-4 ng hapon sa Araneta Coliseum.