Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na walang direktiba silang inilalabas na pumipigil sa mga hindi pa bakunado kontra COVID-19 na bumiyahe.
Ayon kay DOTr Undersecretary for Legal Affairs Reinier Paul Yebra, maari pa rin namang makabiyahe ang mga unvaccinated persons gamit ang ibang pamamaraan.
Sa mga pampublikong transportasyon lamang kasi aniya ipinagbabawal ang pagsakay ng mga ito base na rin sa nakasaad sa Department Order na inilabas ng DOTr hinggil sa “No Vaccine, No Ride” policy.
Dapat aniyang maintindihan na ang karapatan para makasakay ay dapat banlanse rin sa responsibilidad nila bilang transport regulataor hinggil sa pagpapanatili at tiyakin ang ligtas na pagbiyahe.
Iginiit ni Yebra na ang paglabas nila ng No Vaccination, No Ride policy ay hindi paglabag sa Republic Act No. 11525 o COVID-19 Vaccination Program Act.
Nakasaad sa naturang batas na ang mga vaccinae cards ay hindi kakailanganin bilang requirement para sa edukasyon, employment at iba pang transaksyon sa gobyerno.
Ayon kay Yebra, hindi kasama sa naturang probisyon ang access sa pampublikong transportatsyon.
















