Inaabangan ngayon ang engrandeng homecoming ni world’s No. 3 pole vaulter Ernest John Obiena sa University of Sto. Tomas sa lungsod ng Maynila sa araw ng bukas, Huwebes.
Si ang Pinoy Olympian ay nakatakdang dumating sa UST alas-10:00 ng umaga bukas na sasalubungin sa pangunguna ng mga opisyal at estudyante ng unibersidad.
Dagdag dito, ang nasabing homecoming ng pole vaulter ay magkakaroon ng photo opportunity, courtesy call kasama ang mga opisyal, testimonial program at press conference na gaganapin sa loob ng UST.
Una rito, si Obiena ay nasa Electronics Engineering program sa University Of Sto. Tomas at kasalukuyang naka-leave para sa kanyang mga trainings sa ibang bansa para sa paghahanda sa kanyang mga susunod pang laban. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)