-- Advertisements --
covid Omicron XE

Pinalawig pa ng Department of Health (DOH) ng United States ang katayuan ng pandemya ng COVID-19 bilang isang public health emergency, na nagpapahintulot sa milyun-milyong Amerikano na magpatuloy sa pagtanggap ng mga libreng pagsusuri, bakuna at paggamot.

Ang nasabing emergency ay unang idineklara noong buwan ng Janury 2020, nang magsimula ang pandemya ng coronavirus o COVID-19, at na-renew ang bawat quarter mula noong mas kumakalat pa ang nakamamatay na sakit.

Ang tumaas na pagkakaroon ng mga bakuna at gamot ay lubos na nakabawas sa bilang ng pandemya ng COVID-19 mula noong unang bahagi ng termino ni United States President Joe Biden kung saan mahigit 3,000 na mga Amerikano kada araw noon ang namamatay.

Ngunit sa ngayon, ayon sa U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC), daan-daang tao pa din sa isang araw ang patuloy na namamatay mula sa COVID-19 sa Estados Unidos.