
Suportado ng Union of Local Authorities of the Philippines ang panawagan ni of Interior secretary Benhur Abalos na tulungang maibalik sa mainstream society ang mga rebeldeng NPA na nagbalik loob na sa pamahalaan.
Ayon kay Union of Local Authorities of the Philippines president and Quirino Governor Dax Cua, mahalaga ang nasabing hakbang upang matiyak ang pagpapatuloy ng progreso at kapayapaan sa mga komunidad sa buong bansa.
Ang reintegration process ng mga ito aniya ay napakahalagang paraan upang matigil na ang siklo ng kaguluhan.
Katwiran ni Cua, ang pagtulong sa mga dating rebelde na makabalik sa mainstream society ay isang paraan upang hindi isipin ng mga dating rebelde na sila ay nananatiling outsiders.
Sa halip aniya na ihiwalay ang mga dating rebelde, mas nakabubuting i-welcome o tanggapin na lamang sila at tulungang maibalik ang dati nilang pamumuhay.
Ayon kay CUA, ang sa pamamagitan din nito ay lalo pang mahihikayat ang mga aktibong rebelde na sumuko na sa pamahalaan.
Kasabay nito ay hinikayat ni Cua ang mga rebelde na iwanan na ang armadong pakikibaka at yakapin na ang alok na pagbabago ng pamahalaan.
Marami aniya ang alok ng pamahalaan na tulong para, na kinabibilangan ng cash assistance na nagkakahalaga ng P15,000.00, livelihood assistance na P50,000, reintegration assistance na P21,000, at maliban sa ibibigay na kabayaran oras na may naibalik ang mga ito na armas.
Maliban pa ito sa tulong pabahay na alok ng mga LGU kung saan ang mga ito ay nabigyan ng P5 million na halaga upang tumulong sa pagpapatayo ng pabahay para sa mga dating rebelde.










