Inihayag ni San Juan City Mayor at Metro Manila Council (MMC) President Francis Zamora na ang plano ng konseho na magpakilala ng standardized traffic citation system ay maisasagawa na sa susunod na taon.
Una na nga rito, ang single ticketing system ay unang iminungkahi ni Zamora sa joint session ng Metro Manila Council at Regional Development Council (RDC) na siya ring co-chairs para maibsan ang pasanin ng mga motorista.
Layunin ng proyekto ang isang unified ticketing system na may parehong halaga na sinisingil para sa mga parusa para sa ilang karaniwang paglabag sa trapiko sa lahat ng Metro Manila LGUs, kung saan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang Land Transportation Office (LTO) ay agad na naka-tag sa digital records upang matiyak na hindi mai-renew ng mga driver ang kanilang lisensya o ideklara ang mga ito na nawala para lang makaiwas sa pagbabayad.
Pinapayagan din nito ang mga motorista na huwag isuko ang kanilang lisensya sa pagmamaneho sa mga traffic enforcer at sa halip, bayaran ang kanilang mga multa sa pamamagitan ng mga payment center sa buong bansa.
Una na rito, inilatag na ng Land Transportation Office ang mga teknikal na kinakailangan para sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at LGUs na mag-isyu ng traffic violation ticket para mag-tag at magtala ng mga traffic violations na kanilang masisita.