Tiniyak ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera na kanilang imbestigahan ang umano’y unauthorized collection ng mga State Universities and Colleges sa mga estudyante.
Ito’y matapos ibunyag ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang ginawang pangongolekta ng tuition fees ng mga SUCs na dapat ay wala ng sisingilin ang mga ito sa mga estudyante.
Partikular na tinukoy ni Castro ang Basilan State College sa probinsiya ng Basilan at Cagayan de Oro University.
Nangako naman si CHED chairman Prospero De Vera na kanilang paiimbestigahan ang nasabing asunto.
Kahapon sumalang sa budget deliberation ang CHED para sa kanilang 2024 proposed budget.
Binigyang-diin ni De Vera na tuloy ang free education system sa tertiary level.