-- Advertisements --
Tinamaan ng ligaw na bala ang isang Lalaki sa lalawigan ng Bulacan.
Ayon sa Sta. Maria Municipal Police Station, bumabyahe ang isang lalaki na nakaangkas sa motorsiklo nang tamaan ito ng ligaw na bala sa Barangay Bagbaguin, Santa Maria, Bulacan, noong madaling araw ng Disyembre 27.
Ayon kay Police Lt. Col. Voltaire Rivera, nakarinig lang ng putok ang biktima at ang mga kasamahan nito nang bigla nalang naramdaman nung naka backride na may mainit na tumutulo sa kanyang binti.
Kaagad naman na itinakbo sa ospital ang biktima at doon nalaman na bala ng baril ang tumama sa binti nito.
Ani Rivera, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Santa Maria Police hinggil sa insidente.










