-- Advertisements --

Natanggap na ng United Kingdom ang unang doses ng COVID-19 vaccine mula sa Pfizer-BioNTech.

Ito ay isang araw matapos na aprubahan ng UK ang distribusyon ng bakuna.

Lulan umano ng isang unmarked trucks ang bakuna galing sa Eurotunnel mula Belgium at ito ay ilalagay sa hindi na binanggit pa na lugar.

Ayon sa Department of Health ng United Kingdom, mayroong 800,000 na doses na mga bakuna ang nakatakdang dumating sa kanila sa susunod na linggo.

Ipapamahagi ang nasabing mga bakuna sa may 50 hospital hubs na magsisilbing bilang vaccination points.