Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na mahigit sa 2.8-million na mga estudyante mula sa iba’t ibang parte ng bansa ang nakapagrehistro na sa unang araw ng enrollment para sa nalalapit na bagong school year.
Ayon sa DepEd nasa kabuang 2,808,779 ang mga nakapag-enroll hanggang kagabi, na mas mataas sa 1,443,666 na mga learners kahapon ng hapon.
Samantala wala namang naiulat ang DepEd na mga major issues o mga untoward incidents sa ginaganap na nationwide enrollment process.
Pinasalamatan din ng education department ang mga personnel nito, mga volunteers, at mga stakeholders dahil sa maayos na proseso ng enrollment.
Ang pagsisimula ng registration process ay batay na rin sa DepEd Order Number 35, na nagtatakda sa timeline para sa enrollment ng School Year 2022-2023 mula nitong July 25, hanggang August 22, 2022.
Ipinaalala ng DepEd na ang enrollment ay maaring gawin in-person, sa pamamagitan din ng remote, o kaya sa mga drop box forms.
Ang mga Alternative Learning System (ALS) learners naman ay pinapayagan na mag-enroll physically o online.
Ang School Year 2022-2023 ay magsisimula na sa August 22, 2022 at magtatapos sa July 7, 2023.
Batay pa sa patakaran ang blended learning schedule at full-distance learning ay papayagan naman hanggang October 31.
Gayunman ayon sa DepEd simula sa November 2, lahat ng mga public at private schools sa bansa ay magta-transition na sa limang araw na in-person classes.