-- Advertisements --

Labis na nababahala ang United Nations sa pag-aresto sa mga protesters sa Russia.

Sinabi ni Ravina Shamdasani, tagapagsalita ng UN High Commissioner for Human Rights, na lubhang nakakabahala ang ginagawang pag-aresto ng Russian Federation.

Isa umanong paglabag ang ginagawang pag-aresto sa mga tao na nagsasagawa lamang ng mapayapang kilos protesta.

Aabot na sa mahigit 2,300 katao ang inaresto sa iba’t-ibang bahagi ng Russia mula ng ianunsiyo ni President Vladimir Putin ang partial mobilization ng mga sundalo laban sa Ukraine.

-- Advertisement --