-- Advertisements --

Mahigit 700 sibilyan na kabilang ang 52 bata ang napatay mula ng lusubin ng mga sundalo ng Russia ang Ukraine na nasa ikatlong linggo na.

Mula noong Pebrero 24 hanggang Marso 15, nakapagtala ang UN human rights agency ng 726 deaths at 1,174 katao ang nasugatan kabilang din ang nasa 63 bata.

Pero pinangangambahang mas mataas pa rito ang aktwal na bilang ng mga namatay na.

Sa pagpupulong ng UN Security Council, inihayag ni UN political affairs chief Rosemary DiCarlo na karamihan sa casualties ay mula sa mga matataong lugar ginamitan ng explosive weapons.

Gayundin daan-daan din aniyang mga residential buildings, mga ospital at eskwelahan ang napinsala.

Aniya, hindi maikakaila ang lawat ng mga napinsalang civilian infrastructure at civilian casualties sa Ukraine na nangangailangan ng malalimang imbestigasyon at pananagutan.