Mariing pinabulanan ng Police Regional Office – Calabarzon ang mga ulat na mayroong ilang grupo ang pinigilan at hinarang umano upang hindi makadalo sa mga pagtitipon at aktibidad na may kaugnayan sa paggunita sa ika-38 anibersaryo ng Edsa People Power Anniversary kahapon.
Ito nga ay matapos ang pagkalat ng mga post at video sa social media hinggil sa umano’y panggigipit sa mga jeep na dumaan sa Batangas, bahagi ng Laguna at lalawigan ng Cavite.
Paliwanag ni PRO Calabarzon Regional Director PBGEN Paul Kenneth Lucas, batay sa kaniyang natanggap na mga ulat mula sa mga nabanggit na probinsiya, hinold at na-impound ang mga sasakyan ng mga ito nang dahil umano sa paglabag sa batas trapiko sa ilalim ng RA 4136 o
Land Transportation and Traffic Code.
May kaugnayan ito sa pinalakas na kampanyan ng pamahalaan laban sa mga colorum na sasakyan bilang tugon sa nakakaalarmang kaso ng vehicular accidents sa rehiyon.
Samantala, kasabay nito ay binigyan-diin din ng opisyal na pangunahing concern ng PNP
ang kaligtasan at seguridad ng publiko at mga motorista at anumang nakikitang hadlang sa pagdalo sa mga pampublikong okasyon ay hindi aniya intensyon ng pulisya. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)