-- Advertisements --

LAOAG CITY – Ipinaalam ni Police Major Joseph Tayaban, ang chief of police ng PNP-San Nicolas na umabot sa 60 na baril ang naideposito sa kanilang opisina kasabay ng election gun ban para sa May 9, 2022 elections.

Ayon kay Tayaban, parehong temporaryong naipasakamay sa kanilang opisina ang baril ni Mayor Alfredo Valdez at ang kalaban nitong si Sanggunian Panlalawidan Member Domingo Ambrocio kasama ng ibang mga kandidato.

Sinabi ni Tayaban na maliban sa mga kandidato ay mga mga ilang residente ng San Nicolas ang temporaryong nagdepositibo ng baril.

Samantala, umabot naman sa 38 na baril ang naideposito sa panig ng PNP-Paoay.

Ayon kay Police Capt. Rodel Baradi, hepe ng nasabing bayan na resulta iti ng pinaigting na Oplan Katok sa gitna nga implementasyon ng election gun ban.

Sinabi ni Baradi na sa kanilang datos ay aabot sa 166 ang mga gun holders sa Paoay.

Samantala, ipinaalam nito na may iilan ang nagbenta ng kanilang baril habang ang iba nawala ang kanilang hawak na armas at lumipat ng tirahan.

Nalaman na isa sa mga temporasyong nagdeposito ng baril ay ang kilalang si Atty. Ferdinand Ignacio ng Paoay.