-- Advertisements --

Nanawagan si Department of Health Sec. Ted Herbosa sa Philippin Health Insurance Corporation na palawigin pa ang kanilang primary care benefits sa ilalim ng Konsulta package nito.

Kabilang na dito ang pagsasama sa ultrasound at mammogram services sa mga health benefit coverage ng PhilHealth.

Ang pahayag na ito ng health secretary ay kasunod ng utos ni Speaker Martin Romualdez para sa isang congressional review sa charter ng PhilHealth para mas palawakin pa ang coverage ng mga benefits nito para sa kanilang mga miyembro.

Sa isang statement ay sinabi ni Sec. Herbosa na bilang pag sang-ayon kay Speaker Romualdez ay inatasan nito ang PhilHealth Benefits Committee na pinamumunuan ni Asec. Domingo na asikasuhin ang pagdadagdag sa ultrasound at mammogram services sa kasalukuyang nationwide Konsulta benefit package ng PhilHealth para na rin sa agarang implementasyon nito sa buong bansa.

Kaugnay nito ay nakatakda naman magpulong ang PhilHealth Benefits Committee para talakayin ang kautusang ito ni Herbosa.