CEBU CITY — Tinawag ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na “unfair and reckless” ang ulat ng Philippine Genome Center (PGC) hinggil sa umano’y “Central Visayas variant” ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).
Batay sa report ng PGC, nasa 104 na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ang diumano’y nahawa ng Central Visayas variant o P.3 bukod sa ilang variants of concern mula sa United Kingdom, Brazil, at South Africa.
Una nang sinabi ni Department of Health-7 spokesperson Dr. Mary Jean Lorreche na hindi patas ang pagtawag sa P.3 bilang “Central Visayas variant” ng COVID-19.
Ayon kay Garcia, kailangan ayusin ng kinauukulan ang nasabing variant lalo na at ipinagmamalaki nito ang pagkakaisa ng mga Cebuano at ng buong rehiyon laban sa deadly virus.
Katunayan aniya ay nakapag-deploy pa sila ng ilang nilang frontliners para mag-reinforce sa mga doktor sa Metro Manila.
Kasabay nito ay hinamon ng gobernadora ang PGC na patunayan ng pag-aaral na nanggaling sa ibang bansa ang “Central Visayas variant.”
















