Hiniling ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa international community na sakupin ang inaasahang budget deficit na $38 bilyon sa susunod na taon para sa kanyang bansang nasalanta ng digmaan, kung saan ang ginawang pananalakay ng Moscow ay nagdulot ng lubhang epekto sa kanilang ekonomiya.
Sa United Nations Security Council, nanawagan ang Moscow ng aksyon sa pag-aangkin nito na ang Ukraine ay naghahanda na magpasabog ng nuklear na “dirty bomb” na isisi sa Russia.
Ang ganitong pamamaraan ay “napakadelikado ngunit magiging kapaki-pakinabang para sa Zelensky regime na manatili sa kapangyarihan,” ayon kay Russia’s deputy UN ambassador Dmitry Polyanskiy.
Magugunitang, naglabas ng bagong babala si US President Joe Biden sa usapang nuklear ng Russia.