-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Ukraine na matagumpay nilang natamaan ang Black Sea Fleet sa Sevastopol, Russia.
Ayon sa Strategic Communications Department of the Armed Forces of Ukraine (Stratcom) na ang nasabing insidente ay bahagi ng pinaigting nilang pag-atake sa Russia.
Ang Sevastopol ay isa sa pinakamalaking lungsod sa Ukrainian peninsula ng Crimea na iligal na inangkin na ng Russia mula pa noong 2014.
Magugunitang ilang mga imprastraktura na ng Russia ang tinamaan na ng Ukrainian missiles.