-- Advertisements --

Personal na binisita ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang Kherson ilang araw matapos na mabawi nila ito sa kamay ng Russia.

Sinabi nito na ang pagkabawi nila ng lugar ay isang malaking kahihiyan sa Russia.

Dagdag pa ng Ukrainian President na simula lamang ito at tuluyan ng makakalaya ang mga rehiyon ng Ukraine mula sa pananakop ng Russia.

Mula pa kasi noong Marso ay sinakop ng Russia ang Kherson at isa ito sa inangkin na ng Russia na bahagi ng kanilang bansa.