-- Advertisements --
Nanawagan si Ukraine President Volodymyr Zelensky sa ibang mga bansa na huwag lumikha ng takot dahil sa patuloy na pagdami ng mga sundalo ng Russia sa border nila.
Dagdag pa nito na maraming mga bansa ang nagsasabing aatakihin agad ng Russia ang Ukraine.
Ang nasabing maling impormasyon mula sa ibang bansa ay makakaapekto rin sa ekonomiya ng Ukraine.
Magugunitang aabot sa halos 100,000 na mga sundalo ang inilagay ng Russia sa border nila ng Ukraine.
Makailang beses na ring itinanggi ni Russian President Vladimir Putin na kanilang aatakihin ang Ukraine.