-- Advertisements --
Pinaghandaan ng Ukraine ang mas pinaigting na atake ng Russia.
Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky, na ang pag-atake sa border nila ng Russia ay para sirain ang defense line nila.
May ilang sundalo ng Russia umano ang nagtangkang lumusob sa Kharkiv region subalit naunahan sila ng mga sundalo ng Ukraine.
Pinalikas na rin nila ng ilang residente ng Vovchansk district bilang paghahanda sa pag-atake ng Russia.
Ang nasabing atake ay ilang araw mula ng ianunsiyo ng US na mayroong panibagong $400-milyon na military aide package sa Ukraine.