Magtatayo ng kauna-unahang underground school ang lungsod ng Kharkiv, Ukraine upang protektahan ang mga mag-aaral mula sa madalas na pag-atake ng bomba at missile ng Russia.
Ang nasabing paaralan ay magbibigay-daan sa libu-libong mga bata sa Kharkiv na ipagpatuloy ang kanilang ligtas na face to face education sa panahon ng mga banta ng missile.
Matatandaan na ang Kharkiv ay nag-organisa ng mga 60 hiwalay na silid-aralan sa ilang lugar ng bansa upang magpatuloy ang mga kabataan sa kanilang edukasyon.
Ang Kharkiv, ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Ukraine, ay may populasyon na higit sa 1.4 milyon bago sinalakay ng Russia ang Ukraine noong Pebrero 2022.
Ang mga bahagi ng lungsod ay napapailalim sa halos araw-araw na pag-atake ng rocket at missile ng Russia.
Una na rito, matutugunan ng undeground school ang mga kinakailangan para sa mga kabataan upang sila ay protektahan habang nag-aaral.