-- Advertisements --

Itinanggi ng Ukraine na sila ang nasa likod ng pagsabog sa Crimean peninsula.

Ayon kay Yuriy Ignat ang Ukraine Air Force Command, na dapat ang sisihin ay ang Russia dahil bigo nito ng maobserbahan ang mga sunog na nangyari.

Sinabi kasi ng defense ministry ng Russia na ang sunog ay siyang naging dahilan ng pagsabog sa military base doon.

Sinabi pa ni Ignat na bahagya sila natuwa sa pangyayari dahil sa doon nakalagay ang mga helicopters at ilang mga kagamitang pandigma ng Russia.

Iginiit naman ng Russia na isang pananabotahe ang nangyaring pagsabog.