-- Advertisements --

Nanawagan si United Kingdom Minister Keir Starmer sa Iran na ”return to the negotiating table” matapos bombahin ng Estados Unidos ang tatlong nuclear facility ng bansa, nitong Sabado ng gabi (oras sa Amerika).

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Starmer ang katatagan sa rehiyon ay pangunahing prayoridad at tinawag ang nuclear program ng Iran bilang isang “a grave threat to international security”.

Ayon sa ulat, walang direktang partisipasyon ang UK sa mga pag-atake ngunit naabisuhan si Starmer bago ito isinagawa.

Sinabi aniya sa kanya ng US na nagsagawa sila nang mga airstrike sa mga nuclear site ng Iran sa Natanz, Isfahan, at Fordo.

Sa kabilang banda ipinahayag ni US President Donald Trump na naging matagumpay ang kanilang operasyon laban sa Iran.

Samantala, mariing kinondena ng Iran ang naging aksyon ng Amerika at tinawag ito ni Iranian Foreign Minister Seyed Abbas Araghchi na mapangahas at may kaukulang epekto.

Sa isang post sa X (dating Twitter), sinabi niyang dapat mabahala ang lahat ng miyembro ng United Nations sa mapanganib at ilegal na ginawa ng US.

‘Each and every member of the UN must be alarmed over this extremely dangerous, lawless and criminal behavior,’ pahayag ni Seyed Abbas.