-- Advertisements --
Itinuturing ni British Prime Minister Boris Johnson na matagumpay nitong natapos ang kaniyang panunungkulan.
Sa kaniyang pagdalo sa final Prime Minister’s Questions sessions sa House of Commons, ipinagmalaki nito ang naging tugon ng kaniyang gobyerno noong pandemiya.
Lahat aniya ng paraan ay ginawa niya para maging maayos ang COVID-19 response ng bansa at maiwasan ang anumang kaguluhan.
Magugunitang nakapili na ang Conservative Party ng dalawang ipapalit kay Johnson.
Sa ginawang botohan ng partido ay nakakuha ng 137 na boto si dating UK Finance minister Rishi Sunak habang si British foreign minister Liz Truss ay mayroong 113 boto.
Isasagawa ang botohan ng dalawa sa buwan ng Setyembre.