-- Advertisements --
Mayroong dagdag na $340 milyon na military aid package na ibibigay ang United Kingdom sa Ukraine.
Ayon kay British Prime Minster Rishi Sunak na ang package ay kinabibilangan ng hilang libong mga bala para matiyak na hindi maubusan ang Ukraine.
Isinagawa nito ang anunsiyo sa ginaganap na Joint Expeditionary Force (JEF) summit sa Latvia.
Ang JEF summit ay dinadaluhan ng mga bansang Denmark, Estonia, Finland, Iceland, Latvia, Lithuania, the Netherlands, Norway, Sweden at the United Kingdom.
Mula pa aniya noong Pebrero ay nagbigay na ang Ukraine ng hindi bababa sa 100,000 na mga bala mula ng magsimulang umatake ang Russia noong Pebrero.