-- Advertisements --
Inakusahan ng United Kingdom ang Russian pilot dahil sa tinangka nitong pabagsakin ang kanilang Royal Air Force surveillance plane.
Dalawang beses umano nagpakawala ng missile ang piloto pero hindi ito tumama.
Ang RAF plane na may crew na hanggang 30 ay nagsasagawa ng surveillance mission sa Black Sea sa international airspace.
Magugunitang hindi lamang ito ang unang pagkakataon na may hinarang ang Russian plane dahil noong nakaraang Marso ay pinabagsak nila ang isang drone ng US.